SMS para sa mga Bar at Restaurant

Text Messaging para sa mga Bar at Restaurant

Sa mabilis na gumagalaw na industriya ng hospitality, kailangan ninyong makipag-ugnayan nang mabilis. Wala nang mas mainam na medium para sa episyenteng pagmemensahe kaysa sa text. Alamin ang higit pa ngayon.

Magpadala ng libre

2021 Pinakamahusay na Halaga ng SMS Gateway sa SMS Comparison 5 Stars Icon

Pataasin ang Pagtangkilik, Produktibidad at Kita sa pamamagitan ng SMS na Pagmemensahe para sa mga Bar at Restaurant

Ang hamak na text message ay isa pa rin sa mga pinakaepektibong paraan para kontakin ang mga tao nang sabay-sabay at angkop na angkop ito sa industriya ng hospitality. Pinapadali nito ang mabilis at epektibong komunikasyon sa pagitan ng mga tauhan, bisita, at parokyano, na napakahalaga para sa mga bar at restaurant.

Sushi tuwing Sabado

Halimbawang MMS ng Restaurant na Nagpo-promote ng Sushi Tuwing Sabado

Puwede Ninyong Kainin Lahat.

Uy Tina, Magugustuhan mo ang aming bagong Sushi Tuwing Sabado. Puwede mong kainin ang lahat ng sushi, sashimi at sake kasama ng pinakamagaling na live music sa bayan. I-book ang mesa mo rito: smsu.io/xxxxx. Kita tayo roon. Para mag-opt out, mag-reply ng IHINTO
Arrow To Icon

Magpadala ng mga katakam-takam na larawan ng inyong pagkain sa pamamagitan ng MMS para talagang humimok ng pagnanasa.

Hi Romy, alam naming nagtatrabaho ka nang maigi at nararapat kang gantimpalaan. Kaya halina't samahan kami sa Pinky's Pub para sa libreng pint sa bawat main tapas meal, tuwing Miyerkules lang. I-book ang booth mo rito: smsu.io/xxxxx Para mag-opt out, mag-reply ng IHINTO
Array From Icon

Gumamit ng SMS para sa mabibilis, simple, at napakaepektibong promosyon sa inyong bar, cafe o restaurant.

Tiyaking palaging matao ang inyong bar, cafe o restaurant sa pamamagitan ng pagpapadala sa inyong mga customer ng mga nakakaakit na alok. Kahanga-hanga ang text messaging ng restaurant at SMS para sa mga bar at night club para sa pag-maximize ng inyong naaabot at pagpaparating ng inyong mensahe sa mga customer sa kapag gusto ninyo.

Mga Benepisyo ng SMS para sa mga Bar at Restaurant

Kung gusto ninyong palaging binubuksan at binabasa ng mga tao ang inyong mga komunikasyong pang-marketing at pang-staff, gumamit ng SMS.

Pagpapadala ng mga 2 For 1 dining promotion mula sa aming webapp papunta sa mga mobile handset

Humimok ng booking at football - nang real time

Ang mga SMS na mensahe ay karaniwang inaabot nang ilang segundo para makarating sa kanilang patutunguhan at napakaepektibo nito dahil 98% na binubuksan at binabasa ito.

  • Maabot ang mga customer kapag gutom na sila; iiskedyul ang mga mensahe na makarating sa mga tao sa palibot ng mga oras ng pagkain at gumamit ng SMS para magpadala ng mga katakam-takam na larawan ng inyong mga ulam.

  • Gumawa at maghatid ng mga promosyon nang mabilis; biglang gustong gumawa ng 50% off a meal promotion? Puwede itong gawin sa ilang minuto gamit ang SMS at hayaan ang mga customer na ipakita ang mensahe para mag-redeem nang sa gayon ay agad ninyong masusubaybayan ang tagumpay.

Bawasan ang mga di-pagsipot - nang awtomatiko

Kumpirmahin ang mga reservation at magpadala ng mga paalala nang mas malapit sa petsa para mabawasan ang mga parokyanong hindi sumisipot at para mabigyan din sila ng pagkakataong mag-rebook.

  • I-integrate ang SMS sa inyong booking system at awtomatikong kumpirmahin at paalalahanan ang mga customer tungkol sa kanilang reservation.

  • Gumamit ng mga auto-responder keyword para awtomatikong magkumpirma, magkansela o mag-rebook ng mga reservation.

Halimbawa ng SMS na pagbu-book ng restaurant at pagre-reschedule sa Taco Tony's
Halimbawa ng pagtatalaga ng tauhan sa restaurant sa pamamagitan ng SMS

Pagmemensahe sa mga tauhan - na instant na natatanggap at nababasa

Tamang-tama rin ang text messaging para sa pamamahala ng mga tauhan

  • Makipag-ugnayan sa inyong employee base nang instant para punan ang mga shift at pangasiwaan ang mga roster.

  • Makipag-usap nang two-way.

  • Magpadala ng mahahalagang mensahe, VIP na alerto, at espesyal na kinakailangan sa lahat ng inyong tauhan.

  • At sumagot kaagad sa mga mensahe ng tauhan at supplier.

Ilang Paboritong Template ng SMS para sa Industriya ng Hospitality

Hikayatin ang mas maraming parokyano at mga nagpapabalik-balik na customer gamit ang pagmemensahe na talagang binabasa (at nakakakuha ng mga sagot).

Pampromosyong Text Message para sa mga Restaurant

Uy {pangalan}, nakakaradam ka ba ng gutom? Ngayong gabi, ihahain namin ang aming sikat na lutong bahay na {pangalan ng ulam}. Ireserba ang mesa mo sa pamamagitan ng pag-reply ng iyong oras ng pagadting at bilang ng mga bisita. Bon Apetit! [Restaurant]

SMS ng Kumpirmasyon ng Booking para sa mga Restaurant

Hi {pangalan}, salamat sa inyong reservation sa {restaurant}. Kinukumpirma lang namin ang inyong reservation para sa {bilang} (na) tao nang {oras}. Inaabangan naming makita kayo. [Restaurant]

Mga Pana-panahong SMS ng Pagbabago ng Menu para sa mga Cafe

Hi {pangalan}, dahil {umiinit/lumalamig} na ang panahon, nagdagdag kami ng ilang bagong produkto sa aming hanay. Subukan ang aming bagong [produkto] o [produkto] mula sa [pangalan ng napapanahong hanay] at sabihin sa amin ang iyong palagay! Bumabati, [cafe]

Mga Paalalang Text ng Booking para sa mga Cafe

Hi {pangalan}, inaabangan naming i-host kayo at ang inyong grupo ng {bilang ng mga puwestong na-book} nang {oras}. Kung hindi kayo makakapunta sa inyong reservation, mag-reply ng 'KANSELAHIN'. Bumabati, [pangalan ng cafe].

Mga Pampromosyong Text Message para sa mga Bar o Nightclub

Hindi mo gugustuhing mapalampas ito! Ang {Pangalan ng artist} ay darating sa [bar/nightclub] at nandito na ang mga unang labas na ticket. Siguruhin ang mga pinakamaiinit na ticket sa ngayon - mag-book na! {Link}.

Text Message ng Pasasalamat para sa mga Restaurant at Bar

Uy {pangalan}, salamat sa pagsama sa amin sa [pangalan ng negosyo] kagabi. Gusto naming malaman kung kumusta ba ang ginawa namin. Paki-rate ang iyong kasiyahan sa sukatang 1 (napakapangit) hanggang 10 (kamangha-mangha).

Umiiral ang mga SMS na solusyon sa hospitality para paigtingin ang iyong restaurant, cafe, o bar; na nagpapahusay sa pagpapabalik-balik ng inyong mga customer, nagbabawas sa oras at gastos ng pangangasiwa, at nagpapaigting sa kasiyahan ng customer na sa huli'y nagpapataas sa kita at paglago ng negosyo.

Kailangan ng kaunting inspirasyon?
Tapos i-download ang ultimate na gabay sa SMS para sa industriya ng hospitality

  • Orange CirclePaano ginagamit ng hospitality ang SMS

  • Orange CircleAno ang gumagawa ng isang magandang SMS na mensaheng pang-marketing

  • Orange Circle22 template para sa mga hotel, bar at restaurant

  • Orange CircleIsang bawat hakbang na gabay sa paggawa ng SMS campaign

  • Orange Circle30 pahina ng actionable content

  • Orange CircleMas kaunting paglalaro, mas maraming aksyon!

Kunin ang Libreng Gabay
I-download ang Hospitality SMS Actionbook - ang Ultimate na eGabay sa SMS para sa mga Restaurant at Bar

Tara Magsimula Tayo sa SMS na Pagmemensahe sa Hospitalidad

Mag-sign up para sa inyong libreng trial para malaman ninyo kung paano makakatulong ang text messaging sa inyong hospitality business, ito man ay isang restaurant, bar o cafe.

Pagkapribado at Ligal © 2021 ClickSend