SMS para sa mga Kumpetisyon at Poll

Text Messaging para sa mga Kumpetisyon at Poll

Gumamit ng text messaging para humimok ng pakikipag-ugnayan ng mamimili sa pamamagitan ng mga kumpetisyon at poll.

Magpadala ng libre

2021 Pinakamahusay na Halaga ng SMS Gateway sa SMS Comparison 5 Stars Icon

Pataasin ang Pakikipag-ugnayan gamit ang mga SMS na Poll at Kumpetisyon

Mabisang magagamit ang isang SMS na serbisyo sa pagmemensahe para sa pagpapatakbo ng mga kumpetisyon at poll, na makakabuo naman ng brand preference at exposure para sa inyong negosyo o produkto.

Magpadala ng mga interactive na poll at kumpetisyon sa pamamagitan ng SMS

Bakit Dapat Gumamit ng Text Messaging para sa mga Kumpetisyon at Poll

Halos lahat ay may mobile phone, at kumpara sa mga postal address, email address at numero ng linya ng telepono sa bahay, karamihan ng mga tao ay pinapanatili ang parehong mobile number nang mahabang panahon. Ang mga kumpetisyon na pinapatakbo sa SMS ay maaaring bumuo ng brand equity at humimok din ng mga benta, na nagbibigay-daan sa inyo na bumuo ng loyalty ng customer para sa inyong brand, mangalap ng impormasyon tungkol sa kanilang customer base, at para paigtingin ang mga ugnayan para sa pangmatagalang benepisyo.

Mga Benepisyo ng Pagpo-poll sa Iyong mga Customer sa pamamagitan ng Text Message

Halimbawa ng SMS na kumpetisyon - manalo ng ebike

Ang mga SMS na Kumpetisyon ay maaaring maging mahahalagang nag-uudyok para sa mga sumusunod na benepisyo:

  • Pinahusay na katapatan ng customer

  • Pinataas na pagpapanatili ng customer

  • Na-maximize na halaga at dami ng mga pagbili

  • Pinaigting na pagkilala at pagkakaugnay sa brand

  • Makabuo ng mga bagong customer at lead

Paano ito natatamo ng mga kumpetisyon? Ang mga poll at kumpetisyon, lalo na ang mga isinasagawa sa pamamagitan ng SMS na serbisyo ng pagmemensahe, ay humihimok ng mga sagot ng mamimili. Sensitibo sa oras ang karamihan ng mga campaign, at magandang paraan ang mga kumpetisyon para hikayatin ang inyong audience na umaksyon sa takot na mapag-iwanan. At sa ngayon, may opinyon ang lahat ng tao, bakit hindi mag-alok ng reward para ibahagi sa inyo ng inyong target na audience ang kanilang mga ideya upang mapahusay ang inyong brand?

Puwede kayong gumamit ng mga kumpetisyon sa text message para humimok ng virtual traffic sa mga online na tindahan at foot traffic sa mga pisikal na tindahan. O gamitin ang iba pa ninyong format ng marketing para himukin ang mga tao sa SMS gamit ang isang kumpetisyon na dinisenyong tumulong na buoin ang inyong SMS Opt-In list, na nagbibigay-daan sa inyong maabot ang mas maraming tao gamit ang inyong susunod na text message marketing campaign.

Paano Buoin ang Inyong SMS Opt-In List gamit ang mga Kumpetisyon

Gamit ang mga SMS keyword at shortcode, mapapadali ninyo ang pag-opt in sa inyong SMS database. Anumang marketing medium ang ginagamit ninyo - mga billboard o outdoor ad, telebisyon, radyo, o display - sabihin sa mga tao na magpadala ng keyword sa inyong maikling code kapalit ng tsansang manalo ng premyo.

Tiyaking gagawa kayo ng mabisa at maigsi ngunit may lamang call to action ng format:

I-text ang {KEYWORD} sa {MAIKLING CODE} para {layunin}

Optin List Competitions
Optin List Competitions

Halimbawa, sa inyong advertising, sasabihin ninyong:

I-text ang PETROL sa 123567 para sa pagkakataon ninyong manalo ng libreng gasolina para sa isang taon.

Kapag may isang taong nag-text ng SMS keyword, puwedeng mag-reply ang autoresponder na napasama na sila sa draw at magsama ng opt-in para sa iba pang mga promosyon, hal:

Salamat sa pagsali! Napasama ka na sa draw, na bobolahin sa 02/05. I-text ang OO para makatanggap ng mga eksklusibong promosyon at alok.

Kapag ang inyong mga customer ay sumagot na ng OO, idadagdag sila sa inyong marketing database para palakihin ang inyong audience at kalaunan ay ang mga customer, transaksyon at kita.

Mga Set and Forget na Kumpetisyon at Poll sa SMS

Para sa mga poll, promosyon, specials, at pamimigay ng premyo, ang mga SMS na solusyon sa kumpetisyon ay puwedeng ganap na i-automate at ang mga sagot ay sinusubaybayan at pinag-aaralan para sa sanggunian sa hinaharap.

Magpadala ng mga poll bilang one-off SMS blast, tulad ng para sa mga poll ng pananaliksik sa merkado para tukuyin kung aling mga produkto ang papaunlarin.

O ipadala ang mga ito bilang tugon sa isang trigger tulad ng [mga survey sa text message] pagkatapos ng pagbili, kabilang ang mga NPS survey, gamit ang mga SMS keyword at autoresponder. Mag-set up ng iba't ibang sagot para sa mga customer na nagbigay ng NPS rating na:

  • 0-6 (mga detractor)

  • 7-8 (mga passive)

  • 9-10 (mga promoter)

Halimbawa ng mga kumpetisyon sa pamamagitan ng SMS autoresponder para sa gaming store
Magpadala ng mga NPS poll sa pamamagitan ng SMS at gumamit ng mga autoresponder para iakma ang bawat tanong - halimbawa ng mga promoter
Magpadala ng mga NPS poll sa pamamagitan ng SMS at gumamit ng mga autoresponder para iakma ang bawat tanong - halimbawa ng mga detractor

Mga Marketing Survey at Poll sa pamamagitan ng SMS: Mga Template ng Autoresponder

Kapag nag-opt in nang lumahok ang inyong kliyente, ipadala ang mga template na ito sa pamamagitan ng autoresponder.

Halimbawa ng SMS na Pananaliksik sa Merkado

Salamat sa pakikilahok. Kung magpapakilala kami ng {bagong produkto} sa aming hanay, ito ba ay isang bagay na malamang na bibilhin mo? (Mag-reply ng OO o HINDI).

Halimbawa ng Follow up na SMS ng Pananaliksik sa Merkado

Salamat sa iyong feedback, nakapasok ka na sa draw! Panghuling tanong - kung magpapakilala ka ng {bagong produkto} sa aming hanay, magkano ang handa mong bayaran para dito?

NPS Text Message

Sa sukatang 0-10, kung saan 10 ang pinakamalamang, gaano mo malamang na irerekomenda ang aming {produkto/serbisyo}?

Sagot sa NPS: Mga Promoter - Humingi ng Review

Salamat sa iyong sagot! Umaasa kaming patuloy kang masisiyahan sa aming {produkto/serbisyo}. Mag-iwan sa amin ng review sa {channel} para sa isang {amount} na code ng diskwento sa susunod mong pagbili.

Sagot sa NPS: Mga Detractor

Uy {pangalan}, ikinalulungkot naming marinig na hindi ka naging masaya sa aming {produkto/serbisyo}. Gusto naming subukang ayusin ito, may makikipag-ugnayan sa iyo mula sa aming customer support sa lalong madaling panahon.

Mga Sagot sa NPS: Mga Passive

Hi {pangalan}, salamat sa iyong rating. Mayroon bang mas mahusay na magagawa namin? Kung oo, mag-reply ng TAWAG o EMAIL para makipag-ugnayan sa iyo ang isang magiliw na miyembro ng support team sa pamamagitan ng iyong mas gustong paraan ng pakikipag-ugnayan.

Gamit ang isang SMS na serbisyo sa pagmemensahe, sabay-sabay na inihahatid ang impormasyon ng inyong poll o kumpetisyon at maaaring ipadala nang agad-agad o naka-pre-schedule. Alam mong bubuksan at sasagutin ang inyong mensahe nang mas mabilis kaysa sa email. Bukod dito, mas pinipili ng maraming mamimili ang mobile text messaging bilang kanilang mainam na paraan ng komunikasyon. Win-win na sitwasyon ito.

Tara Magsimula Tayo sa Competition SMS Marketing

Makipag-ugnayan sa ClickSend ngayong araw para matuto pa tungkol sa kung paano puwedeng gumana para sa inyo ang mga SMS na solusyon sa kumpetisyon.

Pagkapribado at Ligal © 2021 ClickSend