SMS para sa mga Kumpanya ng Insurance

Text Messsaging para sa mga Kumpanya ng Insurance

Magtagumpay sa inyong kumpetisyon gamit ang mga pinag-ibayong komunikasyon at matatalinong marketing campaign gamit ang ClickSend communications suite.

Magpadala ng libre

2021 Pinakamahusay na Halaga ng SMS Gateway sa SMS Comparison 5 Stars Icon

SMS para sa mga Kumpanya ng Insurance

Naiulat na 64% ng mga mamimili ang nagsasabi na mayroon silang mas positibong pananaw ng isang kumpanya kung nag-aalok ito ng texting bilang channel ng serbisyo. Nagwawagi ang mga kumpanya ng insurance na ginagamit ang SMS nang tama.

Mga paalala ng pag-renew (na talagang binabasa)

Insurance Arrow From
Hi Mark, ito ang paborito mong kumpanya ng insurance, ang Dalliance, na nagbibigay sa iyo ng kaunting paalala na dapat nang i-renew ang insurance ng kotse mo sa 12/31/25. Gusto naming ialok sa iyo ang parehong rate o tawagan kami at baka maaari pa namin itong mabawasan. Ganoon kami kagaling. Tawagan kami sa 555-555-555 at i-quote ang ABCD1234.

Para mag-opt out, mag-reply ng IHINTO

Gamitin ang MMS functionality para payagan ang mga customer na instant na magpadala ng mahahalagang larawan.

Insurance Arrow To
Magpadala at tumanggap ng mga insurance claim sa pamamagitan ng MMS
Heto ang pinsalang natamo ng kotse ko.
Salamat, ang claim number mo ay 190471.

Ang SMS para sa insurance ay ang pinakamahusay na direct response communications channel para sa inyong negosyo. Mayroon din itong napakataas na rate ng pagbukas at pagsagot kapag ikinumpara sa iba pang mga medium. Ang mga rate ng pagbukas ng insurance text message ay tuloy-tuloy na nauungusan ang mga insurance email. Ang ClickSend SMS ay mabilis, abot-kaya, at madaling ipatupad at patakbuhin. Isa itong premium na paraan para makipag-ugnayan sa inyong negosyong insurance, para mag-convert ng mga lead at para makihalubilo sa inyong mga kliyente.

Ipinagmamalaki ng ClickSend na magbigay ng mga SMS na solusyon sa insurance para tulungan ang inyong negosyong insurance na hindi lang makabuo at makakuha ng mga lead ngunit mapamahalaan ang inyong mga customer.

Mga Benepisyo ng SMS para sa Insurance

Narito ang ilan sa mga paraan na nakikinabang ang industriya ng insurance mula sa paggamit ng SMS.

Panatilihing naaabisuhan ang mga policyholder tungkol sa kanilang claim sa pamamagitan ng SMS

Ang isang naabisuhang customer ay isang masayang customer

At ang pinakasulit na paraan para panatilihing naaabisuhan ang inyong mga insurance customer ay sa pamamagitan ng SMS. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga event trigger, lahat ng bagay ay puwedeng ganap na i-automate. Narito ang ilan sa mga paraan na ginagamit ng mga tao ang automated, transacational SMS messaging para pasimplehin ang kanilang mga komunikasyon sa insurance:

  • Magpadala ng mga notipikasyon ng pag-renew ng premium sa pamamagitan ng text message para hikayatin ang mga tao na magbayad sa takdang oras at mabawasan ang bilang mga late na pagbabayad.

  • Panatilihing naa-appraise ang mga policyholder tungkol sa kung paano umuunlad ang kanilang claim - kapag may ginawang mga update sa kanilang policy, magpadala ng automated text message para alertuhan ang policyholder. Sa ganoong paraan, sakaling wala silang kaalam-alam/pahintulot sa mga update na ito, naabisuhan sila at makokontak ka nila sa lalong madaling panahon para mag-follow up.

  • Magbigay ng mga quote nang real time - kapag naipadala ang isang pagtatanong, sumagot kaagad gamit ang mga automation para magkalkula ng quote batay sa impormasyong nilalaman ng pagtatanong.

  • Bawasan ang comparison shopping ng mga prospective lead - magbigay ng mga quote nang mabilis at magpadala ng mga follow up batay sa kung nag-sign up ba ang customer.

Pagbuo ng higit pa at mas mahusay na mga relasyon sa mga customer

Gamitin ang text message marketing para panatilihin ang inyong mga umiiral na customer at i-convert sa mga customer ang mga bagong lead.

  • Magpadala ng mga marketing message batay sa kung kailan malapit nang i-renew ng mga inyong mga customer ang kanilang mga policy para maiwasang maghanap sila sa iba o maakit ng mga kakumpitensya.

  • Magpadala ng mga bundle deal para hikayatin ang mga tao na mag-sign up para sa maraming iba't ibang produkto ng insurance.

  • Kung may mga regulasyon o implikasyon sa buwis ng hindi pagkakaroon ng insurance sa kalusugan, bakit hindi magpadala ng personalized marketing blast sa mga tao na maaapektuhan para hikayatin silang magdagdag ng insurance policy sa kalusugan?

Gamitin ang text messaging bilang isang matalinong tool sa marketing, na may mga automation na magti-trigger sa punto kung kailan pinakamadaling makukumbinsi ang mga customer sa iyong alok. Matuto pa tungkol sa aming mga SMS integration.

SMS para sa insurance ng kotse, insurance ng bahay at personal na gamit, insurance sa pagbibiyahe

Ilang Paboritong Template ng SMS para sa Industriya ng Insurance

Makabuo ng mas maraming benta at mga customer gamit ang pagmemensahe na talagang binabasa (at nirereplyan).

Paalala ng Pag-renew ng Policy

Hi {pangalan}, ang {produktong insurance} policy mo sa {kumpanya ng insurance} ay nakatakdang mag-expire sa {petsa}. Tawagan kami sa {numero ng telepono} para maipaliwanag namin sa iyo ang mga opsyon sa pag-renew.

Paalala ng Pag-renew ng Policy - Urgent

URGENT NA PAALALA NG PAG-RENEW NG INSURANCE Hi {pangalan}, mag-e-expire bukas ang iyong {produkto ng insurance} policy sa {kumpanya ng insurance}. Tawagan kami sa {numero ng telepono} o bisitahin ang {web address} para mapanatili ka naming covered.

Paalala ng Pag-renew ng Policy - Lampas na sa Taning

Hi {pangalan}, hindi pa namin natanggap ang bayad para sa pag-renew ng iyong {produktong insurance} at isa itong magiliw na paalala na lampas na sa taning ang pagbabayad. Magbayad sa lalong madaling panahon o sumagot sa SMS na ito kung naiwala mo ang invoice. Palagi mo kaming makokontak sa {numero ng telepono} o {email address}

Mga Paalala ng Pagbabayad

Hi {pangalan}, napansin naming nawawala ang iyong buwanang bayad para sa iyong {produkto ng insurance}. Pakisumite ang iyong bayad pagsapit ng {petsa ng due} para maiwasan ang pagkansela ng policy. Kung nagkakaproblema ka sa pagbabayad, mag-reply sa text na ito o tumawag sa {numero ng telepono} Salamat {kumpanya ng insurance}.

Pagkakatanggap ng Claim

Hi {pangalan}, ito si {pangalan ng ahente} sa {kumpanya ng insurance} na nagpapaalam sa iyo na natanggap namin ang iyong claim at sinusuri namin ito ngayon. Huwag mag-atubiling sumagot sa mensaheng ito o kontakin ako sa {numero ng telepono} o {email address}.

Promosyong Pang-marketing

Hi {pangalan}, dahil mayroon kang {produkto ng insurance} policy sa amin, kwalipikado ka para sa {numero}% off sa alinman sa aming iba pang produktong insurance. Ngayon, iyan ay isang bagay na dapat pag-isipan. Cheers {kumpanya ng insurace}

Umiiral ang mga SMS na solusyon sa industriya ng sasakyan para paigtingin ang inyong negosyo, na nagpapahusay sa inyong mga proseso, nagbabawas sa oras at gastos ng pangangasiwa, at nagpapaigting sa kasiyahan ng customer na sa huli'y nagpapalago sa inyong negosyo at inyong kakayahang kumita.

Lahat ng Komunikasyon ng Kumpanya ng Insurance sa Isang Web Application

Mag-sign up sa ClickSend at makakuha ng buong access sa aming hanay ng mga produkto para makapag-communicate ka sa paraang gusto mo.

Magpadala ng mga quote, kontrata at pormal na dokumento sa koreo sa pag-click ng isang button gamit ang aming online letter service. Sa ilang click (o isang integration sa aming serbisyo), pini-print, tinutupi, sinosobre at mine-mail namin ang inyong mga word o PDF na dokumento, na nakakatipid sa iyo ng mga oras na kailangang pumila sa tanggapan ng koreo. Lahat sa makatuwirang presyo.

Magpadala ng mga dokumento ng insurance nang awtomatiko sa pamamagitan ng aming cloud printer
Halimbawa ng insurance postcard - harap at likod

Pasalamatan ang inyong mga customer sa pagkuha o pag-renew nila ng policy gamit ang isang magandang postcard - i-upload lang ang inyong disenyo, i-click ang ipadala at darating ito sa kanilang mailbox.

Mayroon ba kayong mga supplier na nagre-reply pa rin sa fax tulad ng industriya ng pangangalagang pangkalusugan? Walang problema. Kalimutan ang pagmamay-ari at pagmimintina ng mahal na makina; magpadala ng fax sa ilang click gamit ang aming fax gateway.

Mayroon ba kayong mga regular na email na naglalaman ng mahalagang impormasyon para sa inyong mga customer? I-automate ito gamit ang aming transactional email platform.

Tingin ba ninyo ay cool ang lahat ng iyon?

Tingnan ang lahat ng kamangha-manghang bagay na puwede ninyong gawin sa sandaling ma-integrate ninyo ang ClickSend sa inyong mga kasalukuyang application - may walang katapusang posibilidad.

Tara Magsimula Tayo sa Insurance Text Messaging

Makipag-ugnayan sa amin ngayon para sa iyong sariling mga solusyon pang insurance sa SMS, upang dalhin ang iyong negosyong insurance sa susunod na antas.

Pagkapribado at Ligal © 2021 ClickSend